Language selector

American Sign Language (ASL) video

Diskriminasyon dahil sa Lahi

2012 - Ang Alintuntunin ng mga Karapatang Pantao sa Ontario [Ontario Human Rights Code] (ang Alintuntunin) ay nagbibigay ng pantay na karapatan at opporunidad, at kalayaan mula sa diskriminasyon. Kinikilala ng Alintuntunin ang karangalan at kahalagahan ng bawat tao sa Ontario. Ito’y umaaplay sa mga lugar ng pagtratrabaho, pabahay, mga pasilidad at mga serbisyo, mga kontrata, at pagiging miyembro sa mga unyon, samahan ng trabaho at bokasyonal . Sa ilalim ng Alintuntunin, ang bawat tao ay may karapatan maging malaya sa diskriminasyon dahil sa lahi at panliligalig.

Pagbubuntis at pagpapasuso

2012 - Ang Alintuntunin ng mga Karapatang Pantao ng Ontario [Ontario Human Rights Code] (ang Alintuntunin) ay isang batas na nagbibigay ng patas na mga karapatan at mga pagkakataon at kumikilala sa karangalan at kahalagahan ng bawat tao sa Ontario. Ginagawa ng Alintuntunin na labag sa batas ang mag-diskrimina laban sa isang tao o manligalig sa kanya dahil sa kasarian, kabilang ang pagbubuntis at pagpapasuso.

Kapansanan at mga karapatang pantao

2011 - Ang Alintuntunin ng mga Karapatang Pantao sa Ontario [Ontario Human Rights Code] (ang Alintuntunin) ay nagbibigay ng pantay na karapatan at kalayaan mula sa diskriminasyon. Kinikilala ng Alintuntunin ang karangalan at kahalagahan ng bawat tao sa Ontario. Ito’y ginagamit sa mga dako ng pagtratrabaho, pabahay, mga pasilidad at mga serbisyo, mga kontrata, at pagiging miyembro sa mga unyon, samahan ng trabaho o propesyonal. Sa trabaho, ang mga empleyadong may kapansanan ay karapat-dapat na makakuha ng parehong mga pagkakataon at mga benepisyo tulad ng mga taong walang kapansanan. Sa ilan mga kaso, maaaring kailangan nila ng mga tanging tulong upang magawa nila ang kanilang mga tungkulin sa trabaho.

Mga karapatang pantao para sa mga nangungupahan

2011 - Sinasabi ng pang-internasyunal na batas na ang mga tao sa Canada ay nararapat na makakuha ng mabuting pabahay na kanilang makakayanan. Upang makamit ito sa Ontario, ang mga nangungupahan at mga kasero (o mga tagapagbigay ng pabahay) ay may mga karapatan at mga tungkulin sa ilalim ng Alitunutnin ng mga Karapatang Pantao (Human Rights Code).Bilang isang nangungupahan, may karapatan ka sa pantay na pagtatrato sa pabahay nang walang diskriminasyon at panliligalig.

Ang panliligalig na sekswal at dahil sa kasarian: alamin ang iyong mga karapatan

2012 - Ang panliligalig sa sekswal at dahil sa kasarian ay mga uri ng diskriminasyon. Nakakasakit ito sa karangalan ng isang tao, nararamdaman nilan na hindi sila ligtas, at ipinipigilan sila na maabot ang kanilang buong kakayanan. Ang sekswal na panliligalig o pang-aasar ng isang tao dahil sa kanilang kasarian, o sekswal na oryentasyon ay hindi tinatanggap. Ito’y labag sa batas.

Mga karapatang pantao sa pabahay – isang pangkalahatang ideya para sa mga kasero

2011 - Sinasabi ng pang-internasyunal na batas na ang mga tao sa Canada ay nararapat na makakuha ng mabuting pabahay na kanilang makakayanan. Upang makamit ito sa Ontario, ang mga nangungupahan at mga kasero (o mga tagapagbigay ng pabahay) ay may mga karapatan at mga tungkulin sa ilalim ng Alitunutnin ng mga Karapatang Pantao (Human Rights Code).Sa ilalim ng Alituntunin, ang lahat ay may karapatan sa pantay na pagtatrato sa pabahay na walang diskriminasyon at panliligalig. Bilang isang kasero, ikaw ay may katungkulan sa pagsisiguro na ang pabahay na iyong pinamamahalaan ay libre sa diskriminasyon at panliligalig.

Subscribe to RSS - American Sign Language (ASL) video