Language selector

policy and procedure development

Diskriminasyon dahil sa Lahi

2012 - Ang Alintuntunin ng mga Karapatang Pantao sa Ontario [Ontario Human Rights Code] (ang Alintuntunin) ay nagbibigay ng pantay na karapatan at opporunidad, at kalayaan mula sa diskriminasyon. Kinikilala ng Alintuntunin ang karangalan at kahalagahan ng bawat tao sa Ontario. Ito’y umaaplay sa mga lugar ng pagtratrabaho, pabahay, mga pasilidad at mga serbisyo, mga kontrata, at pagiging miyembro sa mga unyon, samahan ng trabaho at bokasyonal . Sa ilalim ng Alintuntunin, ang bawat tao ay may karapatan maging malaya sa diskriminasyon dahil sa lahi at panliligalig.

Mga karapatang pantao sa pabahay – isang pangkalahatang ideya para sa mga kasero

2011 - Sinasabi ng pang-internasyunal na batas na ang mga tao sa Canada ay nararapat na makakuha ng mabuting pabahay na kanilang makakayanan. Upang makamit ito sa Ontario, ang mga nangungupahan at mga kasero (o mga tagapagbigay ng pabahay) ay may mga karapatan at mga tungkulin sa ilalim ng Alitunutnin ng mga Karapatang Pantao (Human Rights Code).Sa ilalim ng Alituntunin, ang lahat ay may karapatan sa pantay na pagtatrato sa pabahay na walang diskriminasyon at panliligalig. Bilang isang kasero, ikaw ay may katungkulan sa pagsisiguro na ang pabahay na iyong pinamamahalaan ay libre sa diskriminasyon at panliligalig.

Subscribe to RSS - policy and procedure development