Language selector

systemic

Diskriminasyon dahil sa Lahi

2012 - Ang Alintuntunin ng mga Karapatang Pantao sa Ontario [Ontario Human Rights Code] (ang Alintuntunin) ay nagbibigay ng pantay na karapatan at opporunidad, at kalayaan mula sa diskriminasyon. Kinikilala ng Alintuntunin ang karangalan at kahalagahan ng bawat tao sa Ontario. Ito’y umaaplay sa mga lugar ng pagtratrabaho, pabahay, mga pasilidad at mga serbisyo, mga kontrata, at pagiging miyembro sa mga unyon, samahan ng trabaho at bokasyonal . Sa ilalim ng Alintuntunin, ang bawat tao ay may karapatan maging malaya sa diskriminasyon dahil sa lahi at panliligalig.

Subscribe to RSS - systemic