Language selector

Sekswal na pag-aangkop at mga karapatang pantao

Page controls

Page content

Ano ang ibig sabihin ng sekswal na pag-aangkop?

Ang “sekswal na pag-aangkop” ay isang personal na katangian na bumubuo ng bahagi ng kung sino ka. Sakop nito ang malawak na sekswalidad ng tao, kasama ang lesbian at bakla, bisexual at heterosexual. 

Anong proteksyon ang inaalok ng Alintuntunin ng mga Karapatang Pantao ng Ontario?

Ang Alintuntunin ng mga Karapatang Pantao ng Ontario [Ontario Human Rights Code] (ang Alintuntunin) ay isang batas na nagbibigay ng patas na mga karapatan at mga pagkakataon at kumikilala sa karangalan at kahalagahan ng bawat tao sa Ontario. Ginagawa ng Alintuntuninng labag sa batas ang magdiskrimina laban sa isang tao o guluhin siya dahil sa kanyang sekswal na pag-aangkop o katayuan sa pag-asawa. Kasama dito ang parehong-kasarian relasyon na pareho ang kasarian.

Ang karapatang maging malaya sa diskriminasyon at panliligalig ay umaaplay sa trabaho, mga serbisyo, at mga pasilidad, pagbigay-tulong at pabahaypabahay, mga kontrata, at pagiging miyembro sa mga unyon, kalakalan o samahan ng mga propesyonal.

Ang isang tao ay hindi maaaring tratuhin nang hindi patas o guluhin sa mga dakong ito dahil siya’y bakla, lesbian, heterosexual o bisexual.  Labag din sa batas ang magdiskrimina dahil ang isang tao ay nasa parehong-kasarian na relasyon.

Ang homophobic na magsagawa at puna ay ipinagbabawal bilang bahagi ng proteksyon ng Alintuntunin laban sa diskriminasyon batay sa sekswal na pag-aangkop, anuman ang ginugustong maging sekswal na pag-aangkop o inaakalang sekswal na pag-aangkop.

Kailan ito panliligalig?

Ang panliligalig ay ang gumawa ng nakapanliliit o nakakasakit na mga puna o mga kilos na nalalaman o dapat malaman na hindi nagugustuhan.  Ang ilan sa mga halimbawa ay:

  • Sinabi ng isang may-ari ng lupa sa isang lesbian na nangungupahan na “manirahan ka  kasama  sa mga taong katulad mo dahil hindi ka bagay dito.”
  • Ang mga homophobic na biro o paghihiwatig tungkol sa sekswal na pag-aangkop o parehong-kasarian na relasyon ng isang tao.  
  • Pagpapakita ng mga bastos na palatandaan, karikatura, kartun, o bandalismo.  

Ang panliligalig ay maaaring mangyari kahit na ang mga puna o mga kilos ay hindi tiyakan tungkol sa sekswal na pag-aangkop.  

Halimbawa: Sa isang lugar ng trabaho kung saan may kasaysayan ng mga homophobic na mga pag-uugali, ang dalawang baklang empleyado lamang ay paulit-ulit na pinatatamaan sa lakin at mgapraktikal na biro.  Dati, umalis sa trabaho ang ibang mga baklang empleyado dahil sa katulad na pagtrato.  Batay sa mga pangyayari, maaaring sabihin ng mga natitirang empleyado na sila’y ginugulo dahil sa kanilang sekswal na pag-aangkop, kahit na wala namang tuwirang nagbanggit na sila’y bakla.

Ang hindi angkop na kilos ay hindi kailangan mangyari nang paulit-ulit upang maging labag sa batas. Ang isang pangyayari ay maaaring maging sapat na malubha.  

Sa ilang mga kapaligiran, maaaring karaniwan ang mga homophobic na puna, at inaakala ng mga tao na ang lahat ay heterosexual.  Pero kadalasan ay hindi ganito ang kaso, at ang mga puna tulad ng “baklang-bakla” ay maaring makasakit at magdulot ng tindi sa mga taong hindi inilantadang kanilang pag-iiba na sekswal na pag-aangkop.

Dapat siguraduhin ng mga empleyado, mga tagapagbigay ng pabahay, mga tagapagbigay ng serbisyo at iba pa na ang kanilang kapaligiran at mga serbisyo ay malaya sa diskriminasyon at panliligalig.  Dapat sila kumilos kung nalalaman nila o kung dapat nalaman nila ang panliligalig na kilos batay sa sekswal na pag-aangkop o parehong-kasarian na relasyon. Kabilang sa kilos na ito ang hindi paghintulot ng paggamit ng homophobic na wika, kahit na walang nagrereklamo tunkol dito.

Kailan ito nagiging diskriminasyon?

Ang diskriminasyon ay nangyayari kapag hindi patas o naiiba ang pagtrato sa isang tao dahil sa sekswal na pag-aangkop o parehong-kasarian na relasyon at ang mga resulta sa kawalan sa taong iyon.  Labag din sa batas ang sabihin sa iba na magdiskrimina dahil sa sekswal na pag-aangkop.  Ang diskriminasyon ay maaaring dulot ng mga kilos ng isang tao o ng mga patakaran at mga polisiya ng isang organisasyon.

Halimbawa: Ang isang empleyado ay hindi iinasenso, binigyan ng pagsasanay, o nasisante dahil sa kanyang sekswal na pag-aangkop o parehong-kasarian na relasyon.  

Halimbawa: Sinasakop ng plano sa pagseseguro ng kalusugan ng isang kompanya ang mga pangangailangan ng isang kasarian-na-kabaliktaran na kasama pero hindi ng isang parehong-kasarian na kasama.  

Ang mga tao ay hindi maaaring tanggihan ng mga serbisyo dahil sa kanilang sekswal na pag-aangkop, kahit anuman ang damdamin ng taga-pagbigay ng serbisyo o ibang mga mamimili.  

Halimbawa: Ayaw maglingkod ng isang restawran ang isang parehong-kasarian na magkasama dahil iniisip ng tagapamahala na ang ibang mga mamimili ay hindi gusto ang mga ito doon.

Ang panliligalig ay maaaring mauwi sa karahasan

Karaniwang hindi mawawala ang panliligalig kapag tumatahimik o walang ginawa, at paminsan-minsan ay maaaring mauwi sa karahasan ang ganitong kilos.  Kung hindi ka komportable o kung palagay mo`y may nagbabanta sa iyo, kausapin ang isang taong may kapangyarihan tungkol dito (isang superbisor, ang may-ari ng tindahan, atbp.).

Maaari mong kontakin ang Human Rights Tribunal of Ontario upang mag-habla, ngayon tinatawag na  isang aplikasyon: Kung sa palagay mo`y ikaw ay nasa panganib dahil sa manliligalig na kilos, o patungo sa karahasan, tumawag sa pulis.

Para sa karagdagang impormasyon

Ang Polisiya sa Diskriminasyon at Panliligalig Dahil sa Sekswal na Pag-aangkop ng Komisyon ng mga Karapatang Pantao ng Ontario [Ontario Human Rights Commission] at ibang mga pahayagan ay makukuha sa www.ohrc.on.ca.

Upang gumawa ng reklamo ukol sa mga karapatang pantao – na tinatawag na aplikasyon – kontakin ang Human Rights Tribunal of Ontario sa:
Libreng Telepono: 1-866-598-0322
Libreng matatawagang TTY: 1-866-607-1240
Website: www.hrto.ca

Kung kailangan mo ng legal na tulong, kontakin ang Human Rights Legal Support Centre sa:
Libreng Telepono: 1-866-625-5179
Libreng matatawagang TTY: 1-866-612-8627
Website: www.hrlsc.on.ca

Attachments