Language selector

Panliligalig dahil sa lahi: alamin ang iyong mga karapatan

Page controls

Page content

Ano ang panliligalig dahil sa lahi?

Ang panliligalig sa lahi ay nangangahulugang may nanggugulo sa iyo, nagbabanta sa iyo, o may nagtratrato sa iyo nang hindi makatwiran dahil sa iyong inakalang:  

  • lahi
  • kulay  
  • ninuno
  • lugar na pinanggalingan
  • etnikong pinanggalingan
  • paniniwala
  • pagkamamamayan.

Ang panliligalig dahil sa lahi ay maaaring batay sa kombinasyon ng alinman sa mga katangian sa itaas. Ito`y maaari ring dahil sa mga bagay na may kinalaman sa kanila, tulad ng kung ang suot mo ay may kinalaman sa iyong pinanggalingan, nagsasalita ka nang may punto, o dahil sa iyong relihiyon.  

Labag sa batas ang manligalig sa iyo, ang insultuhin ka, o ang tratuhin ka nang hindi makatarungan dahil sa alinman sa mga dahilang ito.

Ang Ontario Human Rights Code (ang Alintuntunin) ay nagproprotekta sa iyo laban sa panliligalig o diskriminasyon dahil sa lahi. Ang iyong mga karapatan ay protektado kung saan ka nagtratrabaho, nakatira, o kumukuha ng serbisyo. Kabilang sa mga serbisyong ito ang mga lugar katulad ng mga restaurant, mga tindahan at mga mall, mga hotel, mga ospital, mga lugar ng libangan, at mga eskwelahan.  Ang Alintuntunin ay nagproprotekta rin sa iyo mula sa diskriminasyon at panliligalig kapag pumirma ka ng kontrata o isa kang miyembro ng isang samahan ng unyon, hanapbuhay o bakasyonal.

Ang panliligalig dahil sa lahi ay maaaring mangyari kapag ginawa ito ng isang tao kung saan ka nagtratrabaho, nakatira, o kumukuha ng serbisyo:  

  • iniinsulto o binibiro ka dahil sa iyong lahi
  • tinutukso o iniinsulto ka dahil sa iyong lahing pagkakakilanlan
  • naglalagay ng mga cartoon o mga retrato sa lugar ng trabaho, eskwelahan o tirahan na nagmamata sa mga tao ng isang partikular na grupo ng lahi
  • binabastos ka dahil sa iyong lahi, kulay, pagkamamamayan, lugar na pinanggalingan, ninuno, etnikong pinanggalingan, o relihiyon.

Paminsan-minsan, ang panliligalig dahil sa lahi ay hindi sa mga salita o mga kilos na tuwirang may kinalaman sa iyong lahi.   Ito`y maaaring dahil pinag-iinitan ka ng isang tao at pinahihiya ka  dahil sa iyong pinanggalingan.

Hindi magandang kapaligiran

Ang panliligalig dahil sa lahi ay maaaring magkaroon ng masamang epekto sa, o makalason, sa mga lugar kung saan ka nakatira, nagtratrabaho, o tumatanggap ng mga serbisyo.  Kahit ang panliligalig ay hindi tumutukoy sa iyo, maaari pa rin itong makasamâ sa kapaligiran mo at ng iba. Maaari nitong pahirapin nang husto ang manirahan at magtrabaho nang sama-sama.

Paano mo malalaman kung masamâ ang kapaligiran? Isang paraan ay tingnan ang epekto ng mga negatibong puna o mga aksyon. Halimbawa, kung hindi ka komportable sa lugar ng trabaho o natatakot kang pumasok sa trabaho dahil sa ilang mga kabastusan dahil sa lahi, mga kilos o mga “`biro”, maaaring ipinapakita nito na ang lugar ng trabaho ay masamâ.  

Ano ang magagawa ko?

Ang taong nanliligalig sa iyo ay maaaring:

  • iyong tagapamahala o kasamahan sa trabaho
  • isang janitor, tagapamahala ng gusali o may-ari ng gusali  
  • iyong guro
  • isang taong nakatira sa iyong gusali.

Kung sa palagay mo`y niligalig ka, maaari mong subukang hilingin ang taong iyon na tumigil.  Maaaring akalain mo na ang magsalita o gumawa ng isang bagay ay magsasapanganib sa iyo, iyong trabaho o iyong pabahay.  Kung ganito ang kaso, magpunta sa iba na may kapangyarihan.

Kung nangyari ito sa trabaho, maaari mong kausapin ang human resources, sabihan ang isang tagapamahala, o kontakin ang iyong kinatawan ng unyon. Kung ito`y nangyari sa iyong gusali, maaari mong ipagbigay-alam ang iyong may-ari ng lupa.

Kung wala sa mga opsyon na ito ay napabuti sa ang iyong sitwasyon o kung ikaw ay natatakot na gawin ang mga hakbang na ito, maaari kang mag-habla ng isang pormal na reklamo ukol sa mga karapatang pantao – na tinatawag na isang aplikasyon – sa Human Rights Tribunal of Ontario.

Ako ba ay may responsibilidad patigilin ito?

Maaaring kailangan mong kumilos upang masigurado na nalalaman ng isang taong nasa posisyon ng awtoridad na ikaw ay ginugulo – pero hindi ikaw ang may responsibilidad patigilin ito.

Sa Ontario,  ang mga tagapag-empleyo, mga kontratista, mga samahan ng propesyonal, mga unyon at mga taong nagpapa-upa at ng iba pang mga serbisyo ay dapat siguraduhin na hindi mangyayari ang panliligalig dahil sa lahi sa kanilang ari-arian, sa kanilang lugar ng trabaho, o sa kanilang mga pasilidad. Hindi nila maiiwasan ang mga reklamo ng paninigalig at dapat sila kumilos upang siguraduhin na ang kanilang mga kapaligiran ay ligtas at komportable para sa lahat.

Ang panliligalig dahil sa lahi ay maaaring mauwi sa karahasan

Hindi mawawala ang panliligalig dahil sa lahi kapag walang magsasalita, at kadalasan ay lumalalâ ito kapag walang ginawa.  Kung hindi ka komportable o kung palagay mo`y may nagbabanta sa iyo, kausapin tungkol dito ang isang taong may kapangyarihan (isang superbisor, ang may-ari ng tindahan, atbp.).

Kung sa palagay mo`y ikaw ay nalalagay sa panganib dahil sa manliligalig na kilos, o kung ito`y mauuwi sa karahasan, tumawag kaagad sa pulis.

Ang paghihiganti ay labag sa batas

Prinoprotektahan ka rin ng Alintuntunin laban sa paghihiganti (o parusa).  Ang ibig sabihin nito`y mayroon kang karapatang magsalita tungkol sa mga isyu o magreklamo tungkol sa panlahing diskriminasyon o panliligalig nang hindi nadidisiplina (o banta nito) o ibang negatibong pagtrato.  Ang proteksyon na ito ay ginagamit kung ikaw ay nagsalita tungkol sa panliligalig o diskriminasyon sa iyong lugar ng trabaho, sa iyong pabahay o sa mga serbisyo at kapag nagrepag-reklamo na pormal , halimbawa, tulad ng pagbigay ng isang aplikasyon sa Human Rights Tribunal of Ontario.

Para sa karagdagang impormasyon

Ang Polisiya at mga Pamantayan sa Kapootang Panlahi at Diskriminasyon Dahil sa Lahi ng Ontario Human Rights Commision at ibang mga  pahayagan ay makukuha sa www.ohrc.on.ca.

Upang magreklamo – na tinatawag na aplikasyon – kontakin ang Human Rights Tribunal of Ontario sa:
Libreng Telepono: 1-866-598-0322
Libreng matatawagang TTY: 1-866-607-1240
Website: www.hrto.ca

Kung kailangan mo ng legal na tulong, kontakin ang Human Rights Legal Support Centre sa:
Libreng Telepono: 1-866-625-5179
Libreng matatawagang TTY: 1-866-612-8627
Website: www.hrlsc.on.ca