Language selector

Diskriminasyon dahil sa edad

Page controls

Page content

Narinig mo na ba ito kailanman ...

“Sigurado ka ba na kaya mong gawin ang trabahong ito? Kailangan isang pulutong ng enerhiya at sigasig, at naghahanap kami ng isang tao maaaring may karera.”

“Hindi mo kailangan ang programang pagsasanay na ito. Sa iyong edad, ano ang magiging pakinabang?”

“Hinahanap namin mas magulang na kandidato upang pangasiwaan itong trabahong na ito”

“Mga estudyante ay maingay at hindi mapagkatiwalaang na mga nangungupahan.”

Ang mga ganitong puna ay maaaring nagpapakita ng ageism – ibig sabihin nag-papalagay batay sa mga pangalanan at mga pagpapalagay tungkol sa edad. Ang mga kabataan at mga may edad ay maaaring makaranas ng ageism. Ang ageism ay resulta din ng pagtingin sa at pagdisenyo ng lipunan batay sa mga pangangailangan ng mga mas bata o mas matatandang tao, na hindi naghahanap ng mga paraan upang isama ang lahat ng mga tao, anuman ang edad.

Maaaring malantad ka sa diskriminasyon sa anumang panahon ng iyong buhay, at ang ilang mga grupo ng edad ay nalalantad sa iba’g-ibang uri ng diskriminasyon.  

Ikaw ay protektado mula sa diskriminasyon dahil sa edad

Ang Alintuntunin ng mga Karapatang Pantao [Human Rights Code ng Ontario ay nagpro-protekta ang mga tao mula sa diskriminasyon dahil sa edad. Ang Alintuntunin ay tumutukoy sa edad bilang 18 taong gulang o mas matandâ. Gayunpaman, ang mga taong 16 taong gulang o mas matanda ay protektado rin mula sa diskriminasyon sa pabahay kapag hindi sila nakatira kasama ng kanilang mga magulang. Ang ibig sabihin nito  ang mga tao ay hindi maaaring magtangi laban sa iyo dahil sa iyong edad kung saan ka nagtratrabaho o nakatira, o kapag ikaw ay nagbibigay ng serbisyo.  

Ang ilang mga espesyal na programa at benepisyo, tulad ng mga diskuwento para sa nakatatanda o mga programa para sa kabataan ay nakikitungo sa tunay na mga pangangailangan na may kinalaman sa edad. Sa labas ng mga uri ng programang ito, maaaring may diskriminasyon batay sa edad kapag hindi ka trinato nang makatwiran dahil sa iyong edad.

Bilang isang taong higit sa 18 taong gulang:

Mayroon kang karapatang na inaalok ng parehong mga pagkakataon sa trabaho tulad ng lahat ng iba.  Hindi ka maaaring tanggihan ng trabaho, pagsasanay, o promosyon, o sapilitang magretiro dahil sa iyong edad. Sa ilan na mga eksepsiyon, ang sapilitan pagreretiro ay hindi pinahihintulutan sa Ontario.

Mayroon kang karapatan sa parehong antas ng mga serbisyo tulad ng iba, halimbawa, pagpapapagamot at ibang pag-aalaga sa kalusugan.

Kung ikaw ay isang mas may edad na tao, maaasahan mong ang mga may-ari ng lupa o tagapagbigay ng pabahay iangkop ang mga puwang sa buhay o baguhin ang patakaran sa pabahay (halimbawa, pahintulutan kang lumipat sa mas angkop na yunit) upang matugunan ang iyong mga pangangailangan dahil sa iyong edad maliban kung ito’y magiging sobrang hirap.

Bilang isang tagapag-empleyo:

  • Hindi ka maaaring tumanggi sa upa, pagsasanay, o i-asenso ang mga tao dahil sa kanilang edad.

  • Huwag makatwiran at pag-initan ang mga mas nakatatandang empleyado, o ibang mga grupo ng edad, kapag dumating sa pagbawas ng tauhan o muling pag-tatag.

  • Dapat mong siguraduhin na ang iyong lugar ng trabaho ay malaya sa diskriminasyon, may kasamahan, at gumagalang at nagsusuporta sa mga pangangailangan ng lahat ng mga empleyado nito, kabilang ang mga mas matatandang empleyado.

Bilang tagapagbigay ng mga serbisyo sa publiko:

  • Hindi mo maaaring tanggihan, nang tuwiran o hindi tuwiran, ang magsilbi sa mga tao batay sa edad.

  • Dapat mong tugunan ang mga pangangailangan ng mga may edad. Halimbawa, ang ilang mga tao ay maaaring mas nangangailangan ng karagdagang panahon mula sa iyo, o maaaring kailangan nila ang tulong, sa mga lugar tulad ng mga opisina ng doktor, mga tindahan, o sa mga bus o subway.

  • Hindi mo maaaring tratuhin na naiiba ang mga kabataan (halimbawa, sa mga mall, mga sinehan, atbp.) dahil sa mga inaakala o mga stereotype tungkol sa katandaan, pananagutan, o pagkilos ng mga kabataan.  

Bilang isang may-ari ng lupa o tagapagbigay ng pabahay:

  • Hindi mo maaaring paalisin ang mga may edad dahil mas mababâ ang renta na binabayaran nila.

  • Hindi mo maaaring tanggihan ang magpaupa sa mga kabataan dahil inaakala mo na hindi sila magiging mahusay na nangungupahan.

  • Maaaring managot ka para gumawa ng mga pagbabago upang gawing mas madali kunin ang pabahay para sa mga may edad. Kabilang dito ang paglagay ng mga rampa, mga alarma nakikita para sa sunog at timbre, iba’t-iba mga sukat ng hawakan ng pinto o mas mababang despatso.

Para sa karagdagang impormasyon

Ang Polisiya sa Diskriminasyon Laban sa Mga Mas Matatanda dahil sa Edad at ibang mga pahayagan ng Ontario Human Rights Commission ay makukuha sa www.ohrc.on.ca.

Upang gumawa ng reklamo ukol sa mga karapatang pantao – na tinatawag na aplikasyon – kontakin ang Human Rights Tribunal of Ontario sa:
Libreng Telepono: 1-866-598-0322
Libreng matatawagang TTY: 1-866-607-1240
Website: www.hrto.ca

Kung kailangan mo ng legal na tulong, kontakin ang Human Rights Legal Support Centre sa:
Libreng Telepono: 1-866-625-5179
Libreng matatawagang TTY: 1-866-612-8627
Website: www.hrlsc.on.ca

© 2011, Queen’s Printer for Ontario.
ISBN : 0-7794-5010-8

Sundan kami!

www.facebook.com/the.ohrc
@OntHumanRights

Attachments

AttachmentSize
PDF icon Diskriminasyon dahil sa edad428.89 KB